Monday, May 10, 2010

Ika - 15 Banat

Napatunayan na mas madaming nanunuod ng balita sa TV at tumataas ang ratings nito kapag merong newscaster na maiksi ang palda at kita ang legs o mababa ang neckline at kita ang cleavage. Kaya payo namin sa mga newscasters ay magmini skirt kayo o kaya magplunging neckline habang nagbabalita
Abangan nyo na ang mga legs ni Arnold Clavio, at cleavage ni Ted Failon

Sa pagpasok ng 1st quarter ng 2010, napabalitang nagkukulang ang supply ng kuryente. At usap-usapan ng mga chismoso na mauuso na naman daw ang brownout tulad ng nangyari noong early 90's. Pero alam mo ba na kahit kailan ay hindi nauso ang brownout sa Pilipinas? Dahil ang tawag sa pagkawala ng kuryente ay blackout. Ang brownout ay ang pagkulimlim o paghina ng ilaw na sanhi ng pagbaba sa voltage ng kuryente sa power supply (may ilaw parin pero mahina). Sa Pilipinas lang tinatawag na brownout kapag walang kuryente. Kaya kung gusto mong magyabang kapag walang kuryente, antayin mo na may magsabi ng "Put*ng i*a! brownout na naman!" at sabihin mong "No. It's put*ng i*a! blackout na naman."
Paro para samin, dapat black-in o kaya lights-out ang tawag dun



Anak


Gigisingin ka dahil gutom sya every 3 hours.
Iistorbohin ka habang kumakain ka para punasan ang pwet nya.
Susukahan ka ng gatas.
Gagastusan mo ang pag-aaral pero titigil lang bigla pag tinamad.
Gagawa ng kalokohan na magbibigay sayo ng kahihiyan.
Susukahan ka ng beer.
Magagalit kapag pinagsabihan mo.
Sasagutin ka ng pabalang.
Magdadabog kapag inutusan mo.
Hihingi ng pera para sa project, pero lolokohin ka at ipang de-date lang ang pera.
Kukupitan ka pa.
Ang laking blessing talaga ng mga anak



Malalaman mong mahal ka ni gago kung...


Binibigay nya sayo ang balat ng pritong manok kahit paborito nya yun.
Pagkatapos nyang kainin ang palibot ng burger, ibibigay nya sayo ang gitna pag hiningi mo.
Gawain nyang magmaneho kahit lasing, pero hindi sya naglalasing kung alam nyang magmamaneho sya ng kasama ka.
Kahit gusto pa nyang kumain, sinasabi nyang ayaw na nya para kumain ka pa.
Kahit hindi nya alam kung anong mangyayari at kahit natatakot din sya, kahit may halong kahambugan, sasabihin nya sayong "Ako ang bahala." para lang hindi ka nag-aalala.
Inaalok ka muna nya bago nya sunggaban ang extra rice.


Sa totoo lang...


Kung alam mo ang dahilan kung bakit ka tarantado, at alam mo na kailangan mong magbago, bakit ka pa pupunta sa psychiatrist para marinig mong sabihin nyang...
"Ang disorder mo ay dulot ng pagiging masyadong impulsive, kulang ka sa empathy, at maiksi ang pasensya mo... kailangan mong magbago."

Ang mga taong pumupunta sa psychiatrist ay mga taong gusto lang marinig sa mas komplikadong eksplinasyon
ang mga bagay na alam na nila.


Hitting below the belt


Kendra: Uminom ka na naman! Akala ko magde-date tayo ngayon dahil weekend!!!
Magno: Pabayaan mo nga akong uminom! Pasalamat ka nga at bote ng beer lang ang hinahalikan ko at hindi ibang babae!
Kendra: Ah ganon?!! Pwes break na tayo! Magsama kayo ng bote ng beer mo, at kung gusto mo wag mo lang halikan yan. Kahit dalhin mo pa yan sa motel. Sigurado naman akong magkakasya ang tutoy mo sa butas nyan!
Magno: Heeey.. wala namang personalan...



Sing it:


I'm Fall Out Of Love
Songed by Earl Supply

I'm fall out of love, I saw you without you
I know you will write, to leave me for so long
I'm fall out of love, what am I without you
I came here too late to say that I was so young

Nagbabayad ka ng libo-libo para magpalaki ng katawan sa gym. Bat hindi ka nalang magconstruction worker? Laki na ng katawan mo, ikaw pa ang binayaran.
Gusto mo magpalaki ng katawan? Gumawa ka ng bahay



Movie Magic


Direktor: Ok Johnny, eto yung eksena... papasok ka sa kulungan nung buwaya...
Johnny: Wala bang stunt dobol direk?
Direktor: Wala, uso na ngayon yung mga artista ang gumagawa ng sariling stunts nila.
Oh basta pagpasok mo sa kulungan tatalon-talon ka palapit sa buwaya...
Johnny: Teka direk bat kailangang tumalon-talon? Hindi ba pwedeng maglakad nalang ako para hindi mabulabog yung buwaya?
Direktor: Hindi, hindi. Nakatali kasi yung mga kamay at paa mo, pano ka maglalakad nun, diba? Basta gawin mo nalang.
Tapos nun, pag nakalapit ka na sa buwaya, tititigan mo sya. Tapos dahandahan kang uupo at ilalapit mo yung muka mo sa muka nya.
Johnny: Ha?! Eh kung sunggaban ako nun? Para saan, bakit kailangang ilapit ko yung muka ko sakanya?... Baket naman nakatali yung kamay at paa ko?!!?
Direktor: Kailangan kasi natin ng eksena na exiting. Yung kakabahan ang nanunuod at yung mararamdaman nila ang takot mo.
Ilalapit mo yung muka mo sa muka nung buwaya para intense yung eksena. Kailangan din natin yung closeup shot na yun para sa posters ng pelikula.
Johnny: Edi lagyan nalang ng effects. Pwede naman yun diba? I-edit nalang sa computer.
Direktor: Mahal yun. Halos ahh... 2 billion pesos siguro ang magagastos dun.
So basta ganun na. Alam mo na ang gagawin mo ha. Papasok sa kulungan, tatalon-talon palapit sa buwaya, tititigan at ilalapit ang muka mo sa buwaya... yung malapit talaga ha.. yung aabutan ka pag sumunggab sya.
Ok ready!... Lights!... Camera!...
Johnny: Direk sorry na! Hindi ko alam na asawa mo yung nilandi ko! Kung alam ko lang, hindi ko gagalawin yun!
Direktor: Hindi, wala sakin yun...ok ACTION!



Gusto mo bang malaman kung tamad ka talaga?


Sirain mo ang TV nyo. Sirain mo ang laptop mo. Itaboy mo lahat ng kaibigan mo. Itapon mo ang cellphone mo. Hiwalayan mo ang shota mo. Sunugin mo lahat ng porn mo.
Kung wala ka paring gana kumilos pagkatapos mong sirain, itaboy, itapon, hiwalayan, at sunugin ang mga distractions sa buhay mo... tamad ka nga. Isang tamad na sira na ang TV, sira na ang laptop, walang kaibigan, walang cellphone, walang shota, tapos wala ka pang porn.



Matipid nga


Anak: Kadiri ka papa! Bat mo binabalik yung toothpick pagkatapos mo gamitin!?
Papa: Ah anak, alam mo naman na kapos tayo sa pera ngayon. Kung uunahin ko ang pandidiri kesa pagtitipid e' mashoshort ang budget natin.
Anak: Pero iba na yan eh! Hindi na hygienic yan ah! Kadiri talaga!
Papa: Kung makapagsalita naman to' kala mo naman ibang tao ako. Eh bat hindi ka naman nagagalit tuwing ginagamit ko toothbrush mo?
Anak: ANO??? Bat mo ginagamit toothbrush ko? Bat hindi mo gamitin toothbrush mo?!
Papa: Akala ko alam mo eh. Anak, sabi naman sayo nagtitipid ako dahil kapos tayo ngayon. Matagal nang sira yung toothbrush ko. Nung una sinubukan kong gamitin yung scotch brite kaso masakit sa gums. Hiram lang naman hindi ko naman inaangkin yung toothbrush mo.
Anak: Ano ba yan?! Kadiri naman pa. Sayo na yung toothbrush ko, bibili nalang ako ng bago. At yung mga toothpick hindi nako gagamit nyan!
Papa: Ikaw bahala.. basta ba hindi mo sakin kukunin yung pambili ng sipilyo.
Anak: Pambihirang buhay naman to' oh. Buti nalang nalaman kong binabalik mo yung mga toothpick pagtapos mo gamitin. Kadiring kadiri talaga. Pinagtyagaan ko na nga lang ipangtinga tong posporo.
Papa: Yan! Konting diskarte lang. Natututo ka na anak. Onga pala wag mong itatapon yung posporo pagtapos mong ipangtinga ha. Ginagamit ko yan.
Anak: Pati ba naman mga posporo sinosoli mo pagkatapos mong ipangtinga?!!
Papa: Grabe ka naman! may toothpick naman ako.. yang mga posporo pinanglilinis ko lang ng tenga.. soli mo ha..


Matuto ka


Alam mo ba kung bakit kadalasan at karamihan ng magtataho ay pinapasan lang ang paninda nila? Ang binatog nakabisikleta, ang fishball at ice cream may cart, pero ang magtataho, kahit matanda na "carry lang".
Tinanong namin ang suking "manong taho" namin at simple lang ang sagot nya.
"Minsan kasi may mga iskinita na makitid, hindi magkakasya ang bike na may sidecar."
Oo nga naman.


Kutob lang naman


Linda: Uy mare may sasabihin ako sayo pero atin-atin lang ha.
Banesa: Ah sige, ano ba yun mare?
Linda: Tungkol sa asawa ko. Natatakot ako kasi kutob ko bading sha.
Banesa: Whaaat! ano ka ba?! hahaha! natawa naman ako dun mare!
Linda: Huy seryoso ako..
Banesa: Ha? e bakit naman?
Linda: Eh kasi nung isang araw may mantsa ng lipstick yung kwelyo nya..
Banesa: hmm e hindi ka dapat maghinala na bading si kumpare.. Maghinala ka baka may chicks yan dear!
Linda: Hindi mare. Pagtingin ko kasi sa labi nya, nakalipstick sya.
Banesa: Ohh? eh baka naman gusto lang nya na mejo mapulapula ang lips nya.
Linda: Eh eto pa.. magpagupit daw ako ng maiksi..
Banesa: oh ano naman ngayon? Uso naman ang boy cut.
Linda: Alam ko.. kaso ang gusto nyang gupit ko barber's cut.
Banesa: ahmm.. baka yun lang ang turn on nya mare.
Linda: Eh hindi lang yun mare..
Banesa: Oh? Ano pa?
Linda: Ah eh.. gusto nya akong magpahair transplant...
Banesa: Eh bat ka kukutuban na bading si kumpare eh mejo manipis naman talaga ang buhok mo. Saan banda naman daw nya gusto yung hair transplan mo? Sa tuktok, sa batok, o sa bangs?
Linda: Sa dibdib.


Mga OK lang magtrunks (swimming trunks)


Mga swimmers, dahil nakakabagal ng paglangoy ang mga maluwag na kasuotan dahil nagkakaroon ng "drag" sa tubig. Kaya kung swimmer ka... OK lang mag trunks.
Mga divers, dahil mas mataas ang score ng bawat dive kapag konti lang ang talsik ng tubig. Mas malaking "splash" ang nagagawa kapag mas malaki ang kasuotan. Kaya kung diver ka... OK lang mag trunks.
Mga wrestlers, dahil costume lang nila yun. Kaya kung wrestler ka... OK lang mag trunks.
Mga bodybuilders, dahil kailangan makita ng mga judges ang mga muscles nila para mahusgahan kung sino ang pinaka maskulado. Kaya kung body builder ka... OK lang mag trunks... wag lang habang nagbubuhat sa gym.
Mga MMA fighters, dahil kailangan nila ng kasuotan na hindi makakahadlang sa kanilang full range of motion... at dahil kaya nilang saktan ang mga taong pagtatawanan sila pag nakasuot sila ng trunks. Kaya kung MMA fighter ka... OK lang mag trunks.
Kung hindi ka swimmer, diver, wrestler, o bodybuilder walang araw sa buhay mo na pwede kang mag trunks kung more than 11 years old ka na. Wala kaming pakialam kahit sabihin mong yan ang uso sa Europe.. pumunta ka sa Europe at dun ka magsuot na spandex na brip!



Try anything at least once pala ha...


Magpalaman ng tasty sa pandesal.
Umalis ng bahay ng suot tsinelas sa isang paa, at sapatos sa kabilang paa.
Humingi ng autograph ng hindi mo kakilala, at hindi naman sikat na tao.
Tawaran ang presyo ng kakainin mo sa fastfood restaurant.
Pumili ng kanta sa videoke pero babasahin mo ang lyrics sa songhits. (may songhits pa ba?)
Kapag may binili ka at may sukli ka pa: Tanggaping ang sukli mo nang nakasahod ang dalawang kamay. At nakayuko ka pa.
Paglabanin ng bato-bato-pic ang kaliwa at kanang kamay mo
Kung magpapaapekto ka sa iniisip ng iba......ang galing mo naman. Pano mo nalaman kung anong iniisip nila?



Dear Kuya Chico,


Itago mo nalang ako sa pangalang Mara. Ang pamilya namin ang pinaka mahirap sa aming lugar, at minsan hindi ko matanggap ang naging kapalaran namin. Bakit kaya kung sino pa ang mahirap, sya pang lalong pinahihirapan. Halos lahat ng kapitbahay namin sa Barangay Forbes Park ay alam ang aming katayuan. Minsan nga ay iniisip ko nang maging working student para sa pamilya ko, pero nakakatamad. Humingi ako ng dagdag sa allowance ko kay ama, pero sapat na daw ang 15,000 pesos per week. Hindi nya alam na at least twice a week dapat magshopping, kahit sa Hong Kong lang. Natuto din akong pagkasyahin ang 15,000 sa loob ng pitong araw, pero hindi sya naging madali. Dahil sa kalagayan namin, kinakailangang magtayo ng tatlong negosyo ni ama, at naiintindihan ko na minsan ay mainit ang ulo nya pag dating sa bahay. Ngunit hindi ko inaasahan na sarili kong ama ang magdudulot ng matinding hinanakit sa akin.

Linggo nun, at magshoshopping ako with all my single ladies. Kasalukuyang kumakain ako ng frozen yogurt nun nang maalala ko na max out na ang credit card ko. Ang hirap talagang maging mahirap Kuya Chico. Dalidali akong tumakbo papunta sa kwarto ni ama para humingi ng money. Habang tumatakbo ako papunta sa kwarto nya, naalala ko na nag-gogolf nga pala si ama tuwing Linggo, pero sana hindi pa sya nakakaalis. Makaraan ang 20 minutes narating ko din ang kwarto ni ama. Nakita ko ang golf bag nya kaya natuwa ako. Ibig sabihin ay hindi pa sya nakakaalis. Pero hindi ko sya makita sa kwarto nya. Pinasok ko na ang lahat ng walk-in closet pero wala talaga sya. Nang palabas na ako ng kwarto nya, may narinig akong humahagikhik, parang pinipigil na tawa. Nang hanapin ko kung saan nanggaling ang hagikhik, nakita ko si ama na nakatago sa likod ng kurtina. "Anjan ka lang pala eh!" ang naiinis na sabi ko sakanya. Sinabi nya sa akin na nagtago sya dahil alam nya na max out na ang credit card ko at alam nya na hihingi ako ng money. Akala siguro nya makakaisa sya.

Sinabi ko kay ama na kahit 8,000 lang ay ok na pangshopping, titipirin ko nalang. Pagkatapos ng matagal na diskusyon ay binigyan din nya ako ng money. Naisip ko na magandang oportunidad na din yun para sabihin sakanya na napagusapan namin ng best friend ko na magbakasyon sa Paris pagdating ng summer. Binangit ko kay ama ang plano namin ng bestfriend ko pero naging malupit si ama. Sinabi nya na ok lang basta pagipunan ko daw. Nabigla ako sa sinabi ni ama! Pagipunan?! Alam kong mahirap kami, pero nun ko lang nasabi sa sarili ko na "kawawa... naman... ako." Umapila ako kay ama, ngunit hindi daw talaga sya magbibigay para matuto daw ako. Akala ko ay hanggang dun lang ang kalupitan na matatanggap ko nung araw na yun, pero nagulat ako ng sabihin ni ama na "Bakit hindi mo nalang ibenta yung kotse mo anak?" Kinukurot ko ang sarili ko para magising ako, at umaasa na isang bangungot lang ang lahat, pero totoo talaga ang mga pangyayari. Ang sarili kong ama, ang sarili kong dugo't laman na inaasahan kong makakaintindi sa akin, ang sya pang nagsabi ng masasakit na salita sa akin.

Matagal kong pinagisipan ang sinabi ni ama, at ngayon na malapit na ang summer, wala na akong ibang magagawa kundi ibenta ang kotse ko. Sabi nga nila, kapit sa patalim na. May isang bagay lang na gumugulo sa utak ko, at sana ay mabigyan mo ako ng karapatdapat na payo.. aling kotse ko ba ang ibebenta ko, yung apple green, burgandy, o yung pink?

Lubos na gumagalang,
Mara

Title: Mahirap



Malalim na hugot ng utak


Mga nanay lang natin ang nagsasabi ng "Ang taba mo na! Magdiet ka nga!" habang nilalagyan nila ang plato natin ng pang apat na extra rice.
"Kahit anong isabay mo sa kikiam pag kinain, pag labas nito kikiam parin."
Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, ay hindi makararating sa paroroonan "Gamitin mo ang rear-view mirror."
Kapag may tumawag sayo ng unggoy, sapakin mo sa tiyan.
Kapag tinawag ka pa nya ulit ng unggoy, sapakin mo sa muka.
Kapag tinawag ka parin nya ng unggoy ng pangatlong beses......kumain ka nalang ng saging.
Kadalasan tuwing kumakain ka, dun mo lang naaalala na nagda-diet ka nga pala......lagi ka nalang kumain para hindi mo makalimutan ang diet mo.
Ang ganda talaga nung MTV na napanuod ko sa MYX !!" Kuha mo?
Matapang lang kayo dahil madami kayo! Wag mo sasabihin yan kung madami nga talaga sila. Bobo ka ba? Makipagbati ka nalang
Ang pag-ibig parang Lotto... mas madami ang natatalo kesa sa nananalo... pero tumama ka lang ng ilang numero masaya ka na, kahit balik taya lang.... at minsan.....meron pang nakaka jackpot
"Sorry na ha... ikaw naman kasi" ......."Aba gago ka! wag ka nang magsorry kung ako din ang sisisihin mo!"
Malandi ka kung......nagpapaganda ka muna ng katawan sa bahay para madisplay mo ang katawan mo pag nag-gym ka na.
Hindi lahat ng pulis tiwali......karamihan lang.
"Hindi masusukat sa kulay ng balat, o sa liit ng mata ang sipag ng tao!!" Hindi din sa kapal ng kalyo sa kamay.
Kung magpapaapekto ka sa iniisip ng iba......ang galing mo naman. Pano mo nalaman kung anong iniisip nila?
"Ang babae ay parang alak, habang tumatanda lalong sumasarap." Malakas ang kutob namin na lola ang nagpauso ng kasabihan na yan


Year 2099: Philippines


Vincent: Mommy, ano yung habulan, taguan, at patintero?
Mommy: Bakit mo natanong?
Vincent: Eh sabi sa nabasa ko yun daw yung nilalaro ng mga ninuno natin dati.
Mommy: Saang libro mo naman nabasa yan?
Vincent: Sa internet ko nabasa. ... Ano yung libro?
Mommy: Umm, parang internet din sya pero... mahirap i-explain anak, i-google mo nalang.



Epalosophy


Huy bat hindi ka pa nakabihis? Ngayon yung sale, madami akong bibilihin wala akong taga bitbit. Hindi ka ba sasama?
"Hinde."
Eh sabi mo noon sasamahan moko diba?
"Noon yun."
Akala ko sasama ka?
"Maraming namamatay sa maling akala."
Sabi mo sasamahan moko eh.
"Wag kang masyadong naniniwala sa sabi-sabi."
Eh nagpromise ka ah!
"Promises are meant to be broken."
Sabi mo sasamahan moko mamatay ka man!
"Lahat naman tayo mamamatay."
Wala ka palang isang salita eh!!!
"Eh ano ngayon?"


Mga sinisigaw ng babae:


Bru!,

Aaang cuuute!,
OMG!,
I love it!,
Whatever!,
Ipiiiis!,
Grabe!,
Omigash!,
My goodness!,
tsk! Ang tabatabataba ko na!,


Mga sinisigaw ng lalake:


Take it off!.. Take it off!
Wala! Anong foul??! Bola eh!,
Extra rice!


Epal vs Mas Epal


Epal: Alam mo, kahit madalas tayong nagbabangayan, ikaw parin ang BFF ko.
Mas Epal: ...
Epal: Bat hindi ka nagsasalita?
Mas Epal: Ano ba yung BFF???
Epal: Best Friends Forever.
Mas Epal: ...
Epal: Oh bat hindi ka na naman nagsasalita?
Mas Epal: Umayos ayos ka ha... wag na wag moko tatawagin ng BFF sa harap ng ibang tao kundi pipitikin ko eyeballs mo!

Epal: Tira na! ang bagal eh! Kanina ka pa nagiisp ah! sabihin mo na lang kung suko ka na.
Mas Epal: Teka...................................... Oh ayan! Check mate! !! wahaha!!! booyah!! yeah boiii! who's your daddy?! who's your daddy?! whooot whooot!! panis! oh yeah!.. oh yeah!.. oh yeah!.. oh yeah!...
Epal: Ha??? .. Dama 'to eh! bobo!
Mas Epal: .......................... I hate you

Epal: Haaay.. nakaraos din ng New Year.
Mas EEpal: Onga. Umpisa na talaga ng 2010.
Epal: Buti naman at matagal-tagal pa ulit bago maglipana ang mga bilog at polka dots na bagay sa bahay namin!
Mas Epal: Ay, sinabi mo pa!
Epal: Onga noh, madami din kayong bilog-bilog na pautot sa bahay nyo pag New Year diba? Ano na ginawa nyo dun?
Mas Epal: Edi pinakinabangan.. tapos yung iba, balik sa baul.
Epal: Samin puro nakatambak sa ref, tapos yung iba napanis pa. Yung mga paputok na natira, hindi ko ngayon alam kung saan ko pwedeng itago... Kayo ba?
Mas Epal: Ah ayun.. yung keso-de-bola ginawang cheese pimiento. Yung hamon, isang lingo nang baon ng utol ko. Yung mga binili kong paputok, pinutok ko na. Yung mga barya na pinakalat sa bahay para swerte daw 'e napulot ko na ulit. Yung polka dots na kurtina, napalitan na. Tapos yung polka dots na polo ko...
Epal: MAY POLKA DOTS KANG POLO?!!
Mas Epal: Wala ah!

Epal: Dami kong nakolektang aginaldo nung pasko. 6,000 pesos.
Mas Epal: Ahh.. ako 6,050 pesos e.
Epal: Tumaba nga ako e, andami ko kasing pinuntahan na kainan, 5 pounds ata binigat ko.
Mas Epal: Onga e, ako 10 pounds binigat ko, mas madami siguro akong pinuntahan na kainan.
Epal: Nakakatuwa nga andaming nag-text at bumati ng "Merry Christmas". Napuno yung inbox ko.
Mas Epal: Onga, napuno din yung inbox ko. E tatlo yung cellphone ko.. lahat puno.
Epal: Pati nung New Year ang dami din bumati. 10:00PM pa lang andami nang bumati. Mga exited sa New Year.
Mas Epal: Sakin 9:45PM pa lang andami nang bumati. Mga mas exited siguro sa New Year.
Epal: Lahat ng sinabi ko sinasapawan mo ah! Ayoko na!! Sige panalo ka na! Uwi nako!
Mas Epal: Mas ayoko na! Mas panalo ka! At mas uuwi ako!

Epal: Puro lindol! Puro baha! Natutunaw na ang mga yelo sa North Pole! Ang taglamig ay nakakangatog! Ang taginit ay nakakapaso! El Nino! La Nina! KATAPUSAN NA!
Mas Epal: Yahoo! Sweldo na naman!



Sige, nuod lang naman


Likas sa mga Pilipino ang manuod... ng kahit ano.
Manuod ng T.V.
Manuod ng sine.
Manuod sa Youtube.
Manuod ng mga inter-barangay "Liga" ng basketbol.
Manuod ng nagsasayaw na babae.
Manuod ng magagandang babaeng dumadaan. (sabay sabay pa kayong tatahimik hanggang makalagpas sila)
Manuod ng DVD.
Manuod sa ipod video.
Manuod ng scandal sa cellphone.
Manuod ng eroplanong dumadaan hanggang sa matakpan na sya ng clouds.
Minsan habang nanunuod tayo ng may kasama.. tinitingnan pa natin ang kasama natin ng pasimple, at pinanunuod natin silang manuod... Tama?... Tama.
Kahit nga yung naghahalo lang ng simento... pinanunod mo... Diba?



Tunay na kahulugan ng salitang "pambababae"


Pag gwaping si lalake: Nakipagkilala sa gimikan, o nakipaglandian sa Facebook
Pag panget si lalake: Nagbayad



Dear Kuya Chico,


Itago mo na lang ako sa pangalang Darwin. Ako ay isang body builder slash bouncer sa isang club slash cashier sa sari-sari store. Meron akong dalawang cute na cute na anak, si Greg 25 years old, at si John 25 years old din... kambal sila.

Masaya ang aming pamilya kahit na tatlo lang kami. Iniwan kami ng ina ng mga anak ko noong mga bata pa lang ang kambal. 12 years old lang si Greg nang iwanan kami ng asawa ko, hindi ko na matandaan kung ilang taon si John nun. Hindi ko parin matanggap na pinagpalit ako ng misis ko sa ibang babae. Kung sinabi lang nya noon na tomboy sha hindi naman ako magagalit. Ok lang naman sakin kung mag-uuwi sha ng ibang babae... basta maganda.

Isang tahimik na gabi, habang natutulog kami ng matiwasay ay nagising ako sa tunog ng maliliit na pakpak. Noong una ay naisip ko na baka mga mumunting fairies ang naririnig kong lumilipad-lipad sa kwarto namin pero naalala ko na matanda na nga pala ako para maniwala pa sa fairies. Matagal kong hinanap kung ano ang lumilipad-lipad sa kwarto namin. Ayaw ko namang buksan ang ilaw dahil baka magising ang mga baby ko.

Makalipas ang ilan pang minuto ay nakita ko din ang pinanggagalingan ng tunog. Noong una ay hindi ako makapaniwala.. Tinanong ko ang sarili ko "Totoo ba ito?" at sumagot din ang sarili ko "Totoo nga!" ..Isang brown, chubby, at kadiring flying ipis! Dahan-dahan kong kinuha ang sandals ni John, ay ni Greg pala! Sorry magkamuka kasi sila. At nung lumanding yung ipis sa dingding ay hinanda ko na ang sarili ko. Papaluin ko na sana ang ipis nang biglang...

Lumipad ang ipis at lumanding sa muka ni Greg! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pababayaan ko bang tapak-tapakan ng ipis na yun ang muka ng baby ko? O hahampasin ko ba ng sandals ang ipis sa muka ni Grag kahit masaktan sha? Sana ay mapayuhan mo ako bago magising si Greg.

Lubos na gumagalang,
Darwin

Title: "Sandals"



OSTs (official soundtracks) ng buhay


Tuwing birthday mo (from age 1 to 12) : Malakas na pag kanta ng "Happy Birthday To You" na may kasunod na "Oh, blow the candle na.."
Kapag may pagsasalo at pasasayawin o pakekembotin ka ng mga tao (from age 2 to 4) : "I-kembot mo"
Sa ibang mga eskwelahan na hindi ko alam kung bakit araw-araw may Flag ceremony kaya nawawalan ng special na kahulugan sa mga bata ang Philippine National Anthem (age 5-15) : "Lupang Hinirang" na isa sa pinaka magandang National Anthem sa buong mundo.
Kinakanta kapag makapal ang muka ng teacher at walang pakialam kahit nagring na ang dismissal bell. Pwede din sa office kung makapal din ang muka ng boss na magpa-overtime ng walang bayad! (age 7 onwards) : "Uwiii-an na"
Pag birthday mo (age 15 onwards) : Malakas na simula ng "Happy Birthday To You" na dahan-dahan humihina at minsan hindi pa tinatapos. O kaya "Happy happy happy birthday, sayo ang inumin sayo ang pulutan" na kinakanta ng mga taong akala ay nakakatuwa ang kanta na yan!
Pag nagiinuman (age 15 onwards) : "Laklak" na ang tanging kanta na hindi mo kailangan ng magandang boses para maging maganda pakinggan.
High school graduation (age 16, or 17, or 18, or 19... depende kung ilang beses ka nag-repeat) : "Friends Forever" na nagpapaiyak ng kahit na sa pinaka bruskong epal sa classroom nyo. O kaya "High school life" na patago pag may napapaiyak.
Sa mga nagdurog at naghimay (from age kung kelan ka tinamaan to age kung kailan nawala ang tama mo) : "Bawal na Gamot" sa mga nagsisisi, O kaya "Because I Got High" sa mga hindi.
College graduation (from age 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, etc... depende kung nakailang shift ka na, o kung sosyal ka at Med. o Law student ka, o kung second course mo na ang nursing dahil ito lang ang course sa Pilipinas ngayon!): Ang local song na "Farewell" na maski mga taga ibang bansa ay ginagamit sa graduation nila.
Inuman na hindi lasingan (from age 1 onwards!): "Kaleidoscope World" na sinulat ng isang di-pangkaraniwang nilalang.
Nagchampion ang team mo sa PBA (age 12 at panghabangbuhay!) : "We Are The Champions" at wala nang kakailanganin pang ibang kanta kaya ok lang kahit anim na beses ulit-ulitin hanggang sa awarding ceremony.
Sa kasal nyo (from age 18 to age kung kelan man kayo nakapag ipon) : "Here comes the BRIDE" dahil ang kasal ay special na araw naman talaga nung babae at walang "Here comes the groom" kaya walang karapatan ang mga lalake na mag-inarte sa kasal. Sakanila na ang Wedding.. wag kayo mag-alala satin ang Honeymoon!
Eto na!... Honeymoon. (from age kung kelan ka kinasal to age kung kelan ka kinasal nanaman) : Kahit na ginago ng isang lalake ang kanta sa isang escandalo (Gago ka talaga! Bobo ka pa sa cinematography at camera angles!) ang "Careless Whisper" ay babalik ulit para sa mga honeymoon ng mga Pilipino. Pero sa ngayon ay mag "Let's Go" muna kayo by Trick Daddy, o kaya "Let's Get It On" by Marvin Gaye.
Kapag nalasing sa videoke bar (from age kung kelan ka naging tatay hanggang age kung kelan ka napaaway dahil sa kanta na 'to) : "My Way" na hindi din namin alam kung baket nagpapainit ng ulo ng ibang lasing.
Kapag may asim ka parin kahit lola ka na o kung maanghang ka pa kahit lolo ka na (from age may apo na kayo to age na naaalala nyo pa kung sino ang asawa nyo) : "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" na dapat gawing basis ng mga nasa relationship ngyon para hindi kayo puro FUBUs! Pero hindi din namin kayo pipilitin magpakatino dahil hindi kami mga nanay nyo!
May kulang? Oo may kulang alam namin, matalino kami diba?! Ayaw lang namin pagusapan dito dahil buzzkill.



Dahil sa Twitter


girlfriend good morning hun, sunduin kita mamaya nuod tayo ng movie, kung hindi ka pa kumain dala nalang ako food
awww.. ang twit twit naman nya" -girlfriend

Mr.dentist napapadalas yung sakit ng ngipin ko. pabalikpalik lang. ano gagawin ko?
"brush your twit everyday." -Mr. dentist

employee sorry but your incompetence is unacceptable, you're fired!
"what!? you can't fire me! I twit!" -employee

kim hoy iha! utang na loob layuan mo na ang anak ko! hindi ka karapatdapat kay @dondi! ambisyosa ka! hindi ka nababagay sa pamilya namin!!
"Dondi! Twit ng ina mo!!" -kim



Kung alam ko lang


Si girl: Tarantado ka talaga! Kung alam ko lang na nagpapanggap ka lang na mabait dati, sana binasted na kita nung nanliligaw ka pa lang!!
Si boy: Hoooy! kung alam ko lang na ganyan ka, ...sana hindi na ako nagpanggap na mabait!!
"Kung gano katagal kayo nagligawan, ganun katagal din kayong nagplastikan."



Bawal lumandi sa pader!


May private message naman sa Facebook.
Pwede namang mag text o kaya mag email.
Kung pasensyoso kayo pwede pang idaan ng post office at magsulatan kayo.
Pero bakit naman kailangan nyo pang ipangalandakan sa Wall nyo sa Facebook
ang mga banat na;

"I miss you bhe.. Can't wait to see you later!.. ismooch!"
at ang mga tipo ng status na;
"Missing my Honeyboo... ismack!"

Ano ka showbiz?!?!
Utang na loob! Sarilihin nyo nalang!
Hindi cute!!!



Extra Ulyanin


Lolo 1: Naaalala mo pa ba noong kabataan natin e madalas tayong...
Lolo2: 'Chong wag mo nang ituloy. Kung ano man yan e malamang hindi ko na naaalala yan. Yung kinain ko nga kaninang almusal, hindi ko na matandaan, pano pa kaya yung mga nangyari noong mga bata pa tayo???
Lolo 1: Onga 'Tol ulyanin ka na nga, nakalimutan mong hindi pa tayo kumakain ng almusal.


High Tech na talaga ang mundo...


Ang dahilan kung bakit hindi mo na nakukumusta ang iyong mga classmates at friends ay dahil wala silang YM, Facebook or Friendster.
Matagal nang panahon na hindi ka gumagamit ng totoong cards kapag naglalaro ng solitaire.
May lima o higit ka pang cellphone numbers ng isang tao lamang at madalas pa itong mapalitan ng new numbers.
Cellphone ang iyong ginagamit para hanapin kung saan mo nailagay ang isa mo pang cellphone.
Ilaw ng iyong cellphone ang ginagamit mo bilang "flashlight" kapag may hinahanap kang bagay sa madilim na parte ng inyong bahay or lugar.
Kahit magbobote, tindero ng gulay o tindero ng tinapa ay may cellphone na rin. Noong early 90's mga bigtime na negosyante lang ang nagse-cellphone.
Magi-internet ka muna bago mag-almusal, tanghalian at hapunan. Halos lahat ng impormasyon na nais mong malaman tungkol sa isang tao, bagay o lugar ay makukuha mo nang lahat sa pamamagitan ng internet.
Live mo nang mapapanood sa internet ang mga paborito mong tv shows at maaari mo na din mapakinggan ng live ang FM radio program na gusto mo.
Karamihan ng commercials sa tv ay may website na ipinapakita sa ilalim ng screen.
Hindi mo na kailangan lumabas pa ng bahay para mag-shopping. Puwede mo na itong gawin "online".
Hindi na bunganga ang ginagamit sa paninira sa kaaway, cellphone at internet na.
Laptop na ang ginagamit ng mga estudyante kapag may oral report sa school.
Portable Sony Playstation (PSP) ang "in" na hand-held gaming device ngayon. Dati rati nagcha-chaga ka sa black and white na Gameboy at "game-and-watch".


Isipin mo 'to...


Wisdom: Ang tanong ay paano ka tumanda at hindi gaano ka na katanda.
Katotohanan: Kahit ang salamin sa mata ay hindi makakatulong sa mga nagbubulag-bulagan.
Katigasan ng ulo: Kahit ang pinakamahusay na hearing aid ay hindi makakatulong sa nagbibingi-bingihan.
Pagmamahal sa bayan: Kailangan pang makarating ng isang tao sa iba't ibang lugar para lang niya maisip na, There's no place like home!
Originality: Walang kuwentang dumaan doon sa kalsadang dinadaanan ng karamihan; piliin mo 'yung kalsadang walang nagtatangkang dumaan dahil for sure, magmamarka doon ang bakas mong maiiwan.
Selfishness: Sabi ng bulaklak, "Walang makakakuha ng aking nectar at pollen!" Kaya hinahampas niya ng kanyang mga dahon ang paru-paro at bubuyog na nagtatangkang lumapit sa kanya. Isang araw, ang bulaklak ay nalanta at tuluyang namatay na hindi man lang nakapagiwan ng buto na sana'y papalit sa kanya.
Pagkakaisa sa oras ng krisis: Kapag malamig ang klima, naglalapit-lapit ang mga tao upang mainitan ang kani-kanilang katawan...



























Magagalit kami sa mga magsasabing panget si "Chokoliet", dahil galit kami sa mga mapanglait na tao! Hindi ka dapat nanghuhusga ng kaanyuan!! Magagalit din kami sa mga magsasabing maganda si "Chokoleit", dahil galit kami sa sinungaling!



"Ang babae ay parang alak, habang tumatanda lalong sumasarap." Malakas ang kutob namin na lola ang nagpauso ng kasabihan na yan

No comments:

Post a Comment