Tuesday, May 11, 2010
Ika - 26 Banat
ERAP na ang Pilipinas. Wala ng MANNY ang mga Pinoy. GIBO na rin ang mga moral. Puro tambay na lang sa mga VILLARan. EDUkado man o mangmang, mahirap mamuhay ng MARangal. AQUINO man sa kanila ang iboto, walang kasiguruhan na BAYANI ang mapipili. DICKdikin man natin ang utak natin, mahirap makakita ng PERFECTOng lider para mamuno sa PERLAS ng Silangan. PagBINAYaran pa ang boto natin EDDIE mag-People Power na tayo dyan sa kanto ng LEGARDA St.
SABAT : Ruby Rodriguez
Mula February 2010, nakakasa na ang interview segment para sa MgaEpal. Ang unang naglaro sa utak namin ay tawaging "Ang tibay mo" ang segment na 'to at magbato ng mga katanungan na hindi kumportable sagutin ng mga Entertainers, TV/Radio personalities, Artists, Politicians, etc. Sa patuloy na pagtatalastasan, naisip namin na gawing simple at casual ang interview para maging kasarapan ang segment hindi lang para sa mga makakabasa, kundi para mismo sa mga personalidad na sasagot sa mga ibabato naming tanong. Sa kalaunan, ang huling timbre ng segment label na nakakuha ng approval mula sa aming apat ay "SABAT" (MgaEpal Interviews)
Sa pangkalahatang desisyon, napagkasunduan na wag nang patagalin ang paglalabas sa pinakaunang handog ng mga "sumabat".
Mula sa Cum Laude graduate na unang nakilala bilang si "Amy" ng "Okay ka, fairy ko!" noong 90's at mas nakilala ng MgaEpal bilang isang masayahing tao at mapagmahal na nanay. Eto si Ruby Rodriguez at ang kanyang mga... "SABAT".
Boss Chip: Bilang part ng Eat Bulaga, sa pagkahaba-habang legendary existence nito sa TV, ano ang nararamdaman mo?
Ruby: Masaya, Proud at parang ang tanda ko na!
(Kahit sino siguro, magiging masaya at proud sa ganyang lugar. Pero hindi kami naniniwala na tumatanda ang mga host sa Eat Bulaga.)
Kulturantado: Pano ka napasok na host sa Eat Bulaga (EB)?
Ruby: Simple lang Kinuha nila ako! Natuwa ata sa akin sa "Okay ka Fairy Ko". Bulagaan lang ako nagumpisa bago pinag host.
(Si "Amy" pala ang ugat ng pagiging host mo. Sayang hindi naging host si "Prinsipe K", kung nagkataon may nagtatap dance sana ngayon araw-araw sa Eat Bulaga.")
Bunso: Ano ang pinaka hindi mo maeenjoy na trabaho sa buong mundo?
Ruby: Naku kung para sa mga anak ko gagawin ko kahit mag-isis ng kubeta!
(Para sa mga anak ni Ruby, ang swerte ninyo sa nanay nyo.)
Manong Guard: Sino ang pinaka kaclose mo sa mga host ng Eat Bulaga. Isa lang. Yung pinaka.
Ruby: Pauleen Luna... alam ko weird ano? Siya pinakabata ako naman pinakamatanda sa kanila.
(Alam nyo na ngayon kung kanino kayo magpapalakad kung type nyo si Pauleen.)
Boss Chip: Sayang na hindi ka nakuha para sa "The Biggest Loser Asia", pero congratulations dahil pumapayat ka ngayon. Ano ang mga ginawa mong pangpapayat?
Ruby: Actually nakuha ako. I was one of the official 30 contestants. sayang lang di ako nakapasok sa Ranch. Mas malalaki daw yung iba. Kaya binigyan ako ng free training at nutritionist ng Fitness First (sponsor eh) Diet at Gym!
Kaso kailangan ko pa pumayat wala pa ako sa ideal weight na gusto ko.
(Sana magtuloy-tuloy ang training mo at maging mas sexy ka para makapag FHM. Oist Fitness First, sponsoran nyo nga kami.)
Kulturantado: Ano ang pangaral na PINAKA gusto mong matutunan, tandaan, at sundin ng mga anak mo hanggang sa pagtanda nila?
Ruby: "Be responsible for everything that you do in your life and do not regret anything that you do for it is what makes you as a person. Remember God is good all The Time."
(Ang ganda nito...)
Bunso: May time na ba na napikon ka sa co-celebrity/ies habang inaasar ka about your weight nung mataba ka pa? (naks, past tense para mas ganahan ka pa magworkout) Sino yung nang-asar at bakit ka napikon?
Ruby: In furness, wala pa naman. Totoo naman joke nila eh. Heller! Tingnan mo naman mga kasama ko sa EB (Eat Bulaga) puro ting-ting.
(Mas humahatak ng kaibigan ang mga taong hindi pikon. Sana lang malimitahan ang "joke" sa mga taong involved. Kaya kung may mang-aasar man sa mga anak ni Ruby gamit ang pangalan ng nanay nila, sinusumpa namin na mabaog kayo.)
Manong Guard: Anong zodiac sign ang pinaka ayaw mo, at bakit? Kailangan magbigay ka. Wala lang. Ruby: hmmmmm zodiac sign? Gemini pag babae, wala lang may traydor mode kasi, at Aries pag lalake, yun asshole mode naman. Experience lang!
(Sino kaya itong mga naging traydor at naging asshole kay Ruby?... Asshole pala si "Boss Chip")
Boss Chip: Ano ba ang ideal weight na gusto mong maging?
Ruby: I want to be a 135lbs. Mataba pa din pero nalalaban na kung sexy ba o mataba. Gusto ko yung may lito factor at debate kung saan ako categorized.
(Sa 135 pounds nasa sexy na yan. Maganda naman si Ruby. Aabangan nga natin mag-FHM.)
Kulturantado: Ano ang lamang ng EB babes sa SexBomb Girls? At ano ang lamang ng SexBomb girls sa EB babes? uuuuyy intriga... bigay ka ng sagot na hindi bias.
Ruby: Intriga nga pero ito totoo... EB Babes mas mapuputi, kinis at sosyal. SexBomb mas magagaling sumayaw! Hahaha
(Yun 'o! Hindi namin inexpect na masasagot ito ng diretso, pero sobrang tikas ng sagot na 'to.)
Bunso: Kung bibigyan ka ng pagkakataon maging invisible sa loob ng three hours and 27 minutes, ano ang gagawin mo?
Ruby: Ang ikli naman... sige susundan ko asawa ko sa lahat ng gagawin nya para malaman ko kung may "extra-curricular activity" hehehe
(Mukang eto ang isasagot ng lahat ng babae. Buti nalang hindi kayo nagiging invisible.)
Manong Guard: If you could go back in time, what specific moment in your life would you like to relive? At bakit?
Ruby: December 2004, pagkapanganak ko. Para dun pa lang makapag diet na ako, edi hindi sana ako naging drum! Dun ako nagumpisa maging aparador.
(Mukang ikasasaya mo at ng pamily mo ang success ng pagpapapayat. Sana nga ay magtuloy-tuloy ang training mo. O kaya sana ay magkaron ka ng time machine. Oist Fitness First kapag napa-FHM form nyo si Ruby, ang lakas na panghatak clients nyan.)
Salamat Ruby Rodriguez para sa mga SABAT mo sa tanong namin. Catch Ruby Rodriguez along with her "Dabarkads", Mondays-Saturdays on Eat Bulaga
Pards
Pards, paki translate naman itong sulat galing kay Samantha... penpal ko sa US hindi ko maintindihan yung sulat, english kase. Paki translate lang...
My dearest Edwin,
Pards: Ikaw yun.
Edwin: Oo ako yun...
How I long for your arms.
Pards: Pano daw humaba yung braso mo?
Edwin: Hindi naman mahaba yung braso ko...
Pards: 'E hindi ko alam, yun yung tanong nya.
The first time I saw your picture, I felt happy.
Pards: Nilagare daw nya yung litrato mo. Natuwa daw sya nung nilagare nya..
Edwin: Baket naman???
You have beautiful eyes.
Pards: Pangbabae daw yung mata mo. Ayaw siguro sa pangbabaeng mata kaya nya nilagare...
Edwin: 'E bat kailangan pang lagariin? Pwede namang guntingin nalang...
I lost your picture last week.
Pards: Winala daw nya yung picture..
Edwin: Sana sinoli nalang nya!
But i felt glad when i saw it again.
Pards: Natuwa daw sya nung nilagare nya ulit yung picture.
Edwin: Akala ko ba winala nya?
Pards: Oo nga.. hindi ko din alam.
Even though you wrote me in Filipino, and I didn't understand your letter, I appreciate the thought.
Pards: Kahit Filipino ka daw at hindi sya marunong magbasa, natutuwa sya na nag-iisip ka.
Edwin: Hindi sya marunong magbasa? Tingin nya sa mga Pilipino hindi nag-iisip?
Pards: Siguro...
I hope you can send me more pictures.
Pards: Padalahan mo daw sya ng litrato ng sigarilyo
Edwin: Baket???
Pards: Ewan ko.. yung "More" daw.
I'm sure you won't mind? :)
Pards: Sigurado daw syang hindi ka nag-iisip. May smile pa...
Edwin: Loko pala yan 'e!
Pards: Oo nga.
Edwin: Pards, paki sulatan nga... sabihin mo lang na hindi ko na babasahin ang mga sulat nya, At hindi na din ako magsusulat sakanya! At paalam na sakanya!
Pards: Sige sige.
Dear Samantha,
I am no read, no write.
Babay to you,
Edwin
Kupalaran
Leo
Mag-ingat sa mga taong malapit sa loob mo. Ilabas mo sila at lumayo ka
Gemini
Malalaman mo na may gusto din sayo ang crush mo habang naglalaro ang barkada nyo ng "truth or consequence". Kaya lang, matu-turn off agad sya dahil ang tawag mo sa laro ay "truth or konsingkwens"
Aries
Mapapangasawa mo ang man of your dreams, kaya lang maghihiwalay din pag gising mo
Type-tawa category:
"Hehe" : pacute
"Hehehe" : May naisahan
"Haha": May pinagtatawanang tao
"Hahaha" : Natawa sa nabasa
"Wahaha" : Sarcastic
"Nyahaha" : May nilait
"Jejeje" : Mga kabatang mababa ang I.Q.
"Hek hek hek" : Mga taong mababa ang I.Q.
"Hekkk" : Walang I.Q.
Mirienda para sa utak
"Kahit gano katagal mong titigan ang alak sa mesa, hindi ka malalasing kung hindi mo sisimulang uminom."
May mga taong alam na ang kailangan nilang gawin para maumpisahan ang kanilang mga plano sa buhay, ngunit hindi sapat ang gustuhin mo lang ang isang bagay. Dahil kahit gaano mo kagusto na maisagawa ang mga plano mo, kung hindi ka magkakaroon ng paninindigan na magsimulang kumilos, mananatili kang tagasubaybay sa pag-unlad ng ibang tao.
Pano ka matatapos, kung hindi ka mag-uumpisa?
Para makasiguradong hindi ka sasagutin ng pabalang ng mga anak mo... wag mo silang kausapin... forever.
Paalala sa mga nagbibinata: Samantalahin ang summer vacation para sa mga libreng operation "skinless" sa inyong barangay
medical mission LIBRENG TULI SA CALOOCAN....
Macho, macho ma'am...
Kung ganyan kamacho ang shota mo, wag mo nang piliin ang DOTA... kung ayaw mong mabali
Commercial muna tayo
Ang mga MATA ni Manoy ......
Manifesto ng Tunay na Stoner
1. Ang tunay na stoner ay di nag papagupit.
2. Ang tunay na stoner ay may sariling mundo. Siya ay magigising lamang sa riyalidad kung ito ay kakausapin o gugulatin. Gayunpaman laging malabo ang kanyang mga sagot.
3. Ang tunay na stoner ay laging may extra rice.
4. Ang tunay na stoner ay laging maparaan.
5. Ang tunay na stoner ay walang abs.
6. Ang tunay na stoner ay walang kung anu-anong shit.
7. Ang tunay na stoner ay laging nakangiti sa makastoner na paraan.
8. Ang tunay na stoner ay laging nakakascore.
9. Ang tunay na stoner ay laging late. Mas lalong nagiging tunay ang pagkastoner kung di na ito nakapunta sa dapat na pupuntahan.
10. Ang tunay na stoner ay di nagsisimba
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment