Tuesday, May 11, 2010

Ika - 25 Banat



BJ

"I kissed a girl and I liked it" - iyan ang narinig ko sa radyo pagkabukas ko. Hindi ko alam kung sino ang artist nakumanta pero pagtapos ko magsulat e i sesearch ko. Bakit kaya ganoon kapag ang dalawang babae nag hahalikan nakaka turn on para sa aming mga kalalakihan. Pero kapag ang dalawang lalake e nag hahalikan e iba na ang tingin natin. Bakit mas katanggap tanggap sa atin na maka kita ng dalawang babaeng magka holding hands kesa sa dalawang lalakeng mag ka hawak ng kamay?


May mga kaibigan akong galit na galit sa mga bakla, wala namang ginagawa sa kanila. Pero minsan e naiirita din ako kapag kumikislap na ang mga mata nila pag nakatingin sa akin. Doon na ako naiirita kapag panay na ang tingin. May mga kaibigan din naman akong nabibilang sa third sex kaya hindi malaking issue sa akin kung bakla o tomboy sila. Wala akong paki alam - hindi naman nila naging kasalanan kung bakit naging ganoon sila. At kung mag mahal man sila ng
same sex e hindi mo sila pwede husgahan sapagkat bakit hinayaan ni Papa Jesus na mangyaring tumibok ang puso ng isang babae sa kapwa nito babae?

Isang araw e papasok kami sa klase ng mga barkada kong lalake e biglang may lalakeng sumigaw sa amin ng "BJ kayo diyan!!! BJ kayo diyan! murang mura lang" Mapapamura ka sa sarap". Napatingin kami sa sumisigaw at dire diretso lang kaming lumayo. Nag tawanan kami kase bakit may nag aalok ng BJ doon, hanggang sa na realize namin na ang ibig sabihin pala niya ng BJ e Buko Juice. May nag titinda pala ng buko juice sa likod ni manong.


Tinanong ako minsan ng isang kakilala ko kung bakit kaming mga lalake e pumapayag ma-buko juice ng kapwa lalake. Ibinalik ko sa kanya ang tanong - bakit kayong mga babae ang hindi gumawa ng paraan para hindi kami ma buko juice ng mga lalake. Nanahimik siya at huminto ng pag tatanong. Nanahimik din ako at nag isip kung bakit nga ba marami sa mga kalalakihan ang
pumapatol ma buko juice ng mga bakla. Dala nga lang ba ito ng kalibugan o dala ng pangangailangan?Sabi ng kaibigan ko mas magaling daw sumubo ang mga bakla, mas masarap daw at walang ka arte arte pwede mong hatakin anytime anywhere.

Siguro yan na ang pinaka the best na sagot na maaari kong isagot sa itinanong sa akin.
May na isip pa akong isang sagot - mas malaki siguro mag bayad ang mga bakla kesa sa mga babae. Sa totoo lang naman kase bakit mag babayad ang babae para makatikim? Siguro mag babayad lang siya kung talagang walang ka pag a pag asang may pumatol sa kanya. Ewan ko ba!




Jejemon, Jejebusters, Jemonyo

"Jejemon"


Kasalukuyang lumalaganap ang salitang "jejemon" sa lingguahe ng Pilipino ngayon. Ano kamo ang "jejemon"? Sa category na handog ng mga pauso, ang" jejemon" ay mga taong mahilig mag-iba ng spelling kapag nagchachat, o kapag nagtetext. Sila daw ang mga taong gumagamit ng "jejeje" para tumawa sa text/chat imbis na "hehehe". Sila din ang mga taong gumagamit ng alternate uppercase (capital letters) at lowercase (small letters) sa bawat salita.


BAGO NATIN IPAGPATULOY 'TO, PASINGIT LANG , Bilang normal na mamamayan ng Pilipinas na nasa tamang kaisipan, tumatanggi kaming gamitin ang pausong salita na "jejemon". Una, hindi nakakatawa, hindi nakakatuwa, at masyadong pacute ang salitang "jejemon". Pangatlo (wag kang pakialamero, pangatlo agad para mukang madami.) Ang salitang jejemon ay pinauso ng mga taong pacool na mababa ang I.Q. kaya sainyo nalang yang salitang yan. At dahil jan, ang itatawag namin sa "jejemon" ay "jemonyo".


Masyadong compressed ang pantukoy sa jemonyo. Dahil sinasabing basta't iba magspelling , "jejemon" ka na. Mali yan, tanga. Dahil ang mga taong nagbabawas ng letra kapag nagtetext o nagtatype ay katanggap-tanggap pa dahil tipid sa oras at tipid sa pindot. Pero kung nagdadagdag ka ng letra jemonyo ka nga. Ang mga jemonyo ay nauso dahil may mga taong gusto mag-english pero bobo sa spelling, kaya sinimulan nila ang paggamit ng "alternative spellings" at pagtagal 'e gusto na nilang magtunog cute kaya sinisingitan ng letter "H" ang salita o magtunog sosyal kaya nilalagyan ng letter "Z" ang mga salitang tinatype nila. Dahil mababa ang I.Q. ng mga jemonyo hindi nila naiisip na nakakabwiset ang ginagawa nila. At tungkol sa salitan ng capital at small letters sa salita, ang nagpauso nyan ay ang mga nagiimbento ng text quotes. Inampon ng mga jemonyo ang ganitong style ng pagtatype para sirain ang araw ng ibang tao.


"Jejebusters"


Dahil sa pag-usbong ng mga "jejemons", may ibang mga tao na galit sa jemonyo ang nagpapauso ng sarili nilang moniker at tinatawag ang sarili nilang "jejebusters". Gago! tigilan nyo na yang "jejebusters" dahil bumababa kayo sa antas ng mga jemonyo sa paggamit nyo ng salitang yan.


"Jemonyo"

Hinugot namin ang salitang "jemonyo" para tukuyin ang mga tinatawag na "jejemon" dahil may sa demonyo ang ginagawa nila. May mga nagsasabi na wala naman daw masamang ginagawa ang mga bobong 'to. Para sa amin, ang kasamaan ay nagaganap kapag may nasasaktan, may naloloko, at may nanganganib. Kasamaan ang pagiging jemonyo dahil...


* NASASAKTAN ang mata at utak ng mga nakakabasa ng sinusulat nila.

* NILOLOKO nila ang sarili nila tuwing nagtatype sila dahil akala nila "the coolest" sila.

* Nilalagay nila ang sarili nila sa PANGANIB na magulpi ng iba.


Pasalamat nalang ang mga jemonyo na hindi kami pumapatol sa bata... hindi pa.





Mga mambabasa,

Ako po ay isang probensiyano. Bata pa po ako nang ang ama ni Noynoy na si Ninoy ay nabilanggo at wala po akong ka alam- alam kung bakit. Akala ko po ay nagnakaw siya ng manok ng kapitbahay kasi po may nakita akong nabilanggo sa aming barangay barracks na nagnakaw ng itlog ng inahin namin hanggang sa nahuli siya ng tatay ko at ipinakulong ng 5 oras. Hindi ko rin alam ang patungkol sa mga Marcoses. Alam ko siya ang ating presidente noon. In other words tangingot ako sa mga nangyayari sa ating bansa.


Hangang sa biglang lahat ng radio station na pinakikinggan namin ay nag babalita ng tungkol sa pagkamatay ni ninoy... aba akala ko nahulog lang siya sa eroplano, e kung ganoon obios na mamatay nga siya. Mayamaya mo mayroon na akong naririnig na sa Edsa ang mga madre gustong ibala sa kanyon kasi nakaharang sa daan. Tapos si Enrile at si Ramos daw nag ala-Rambo at pinasok ang kampo ni Marcos, at sa takot ni Marcos sumakay ng helecopter naiwan ang isa nyang tsinelas Tapos ang kanya daw asawa na si Emilda (sa bisaya) ay biglang umiyak dahil medyo maliit ang naisuot na sandal sa pag mamadali.


Eniwey, maya- maya narinig ko uli sa radio na si Cory na ang presidente at lahat daw mag suot ng dilaw. buti na lang ang bref ko dilaw.. dati puti yon, aywan ko bakit naging dilaw...


Medyo nawala ako sa sarili ko sa matagal na panahon at ngayong may tv na sa kapit bahay ang pinag uusapan na ay kung si Noynoy ba ang papalit kay Erap, kasi ayaw na daw ang mga tao sa batang babae na papalit kay Erap. OO nga naman.. so ngayon po nangongolekta po ako ng picture ni Noynoy at binabasa ko po kung ano ang nasa kayang isiapan. ito na po ngayon ang trabaho ko mind reader. Ang nababasa ko po ay iyong mga hindi pa naiisip ni Noynoy pero na kikita ko na .. so I hop makilala ninyo si Noynoy sa pamamagitan ng mga nakasulat dito...




Noynoy: Alam mo Kris, parang may mangyayari sa buhay ko pag katapus ng libing ni mommy. At natakot ako kasi parang ipinapasa nya ang nasa sa kanyang puso sa akin...
Kris: Kuya para ngang malalim ang inisip mo...ako, yong sa ngayon na muna ang iisipin ko... ngayon ko lang naisip wala na pala tayong daddy at mommy...

Noynoy: Bayaan mo Kris, narirto ang ating mga kababayang Pilipino na nagmamahal sa atin, at sila din ang ating magiging inspiration sa buhay, kagaya nila mommy at daddy. Parang gusto ko na ring ibuwis ang aking buhay para sa ating bayan...

Kris: Kuya pag uusapan muna natin ito ha? kasi ako rin parang ganoon din ang feeling ko..

Noynoy: Ah siya tahan na, baka ako maiyak na rin...



Sexy I.Q.


"Manong Guard"... sa isang fast-food restaurant... kasama ang diniskartehang chickas na bar girl ... ilang taon na ang nakalilipas. Nagtext si "Sexy " kay "Manong Guard" na magkita daw sila. Nagkita ang dalawa ng 7:30AM at walang mapuntahan kaya naisipang kumain muna sa isang fast-food restaurant. Naka-uniform pa si "chickas na bar girl" dahil papasok sana sa school, kaso tinamad.

Pagkatapos kumain...


"Chickas na bar girl": Tara na...
"Manong Guard": San tayo?
"
Chickas na bar girl": Kahit saan.

"Manong Guard": Wala pa tayong mapupuntahan. Masyado pang maaga.

"Chickas na bar girl": Sa bahay nyo...

"Manong Guard": Ayoko, andun ermat at mga kapatid ko. Pero kung gusto mo, magpahinga nalang muna tayo (simpleng pahaging para magmotel)

"Chickas na bar girl": Sige.
"Manong Guard": Hindi ka ba magpapalit muna ng damit? Hindi nagpapapasok ng naka-uniform dun.
"Chickas na bar girl": Onga no... sige bihis muna ako.
"Manong Guard": Dun ka sa 2nd floor magbihis, andun yung C.R.

"Chickas na bar girl": Hindi ba pwede jan? (Sabay turo sa isang pintuan)

"Manong Guard": Sa taas yung C.R. ng babae.
"Chickas na bar girl": Hindi ba pangbabae yan? (Tinuro ulit ang pintuan)

"Manong Guard": Hinde.

"Chickas na bar girl": 'E bat nakaupo? (Tinuro ang sign sa pintuan)


(Eto ang sign na nakakabit sa pintuan.)



Attraction


Tatlong bagay na kailangan ng lalake para maakit ang KAHIT SINONG BABAE:

* Kotse
* Pera
* Personality


Tatlong bagay na kailangan ng babae para maakit ang KAHIT SINONG LALAKE:

36"-24"-36"

"Expect the unexpected"



Hindi pwede yan. Dahil hindi na yun unexpected kung inexpect mo na. Hindi ba ang mga bagay na unexpected ay mga bagay na hindi inaasahan? Kung aasahan mong mangyari ang hindi inaasahan, hindi ba magiging inaasahan na yun? So technically, hindi ba "Expect the expected." lang ang pwede mong gawin, at hindi ba kabobohan ang pagsasabi ng "Expect the unexpected."?
Nakahabol ba yung utak mo?

Epal: O bat dumudugo yung ilong mo?

Mas Epal: Sinubukan kong magbenta ng pagkain sa may terminal ng jeep, sinapak ako nung isang vendor.

Epal: Baket, anong nangyare? Bigla ka nalang sinapak?
Mas Epal: Hindi naman. Nung una maayos syang nakikiusap na lumipat nalang daw ako ng pwesto. Nauna na daw kasi sya dun, tapos pareho lang daw yung binebenta namin. Ginaya ko lang daw sya.
Epal: Maayos naman palang nakiusap 'e. May punto din naman yung sinabi nyang lumipat ka nalang kung gagayahin mo lang yung paninda nya.
Mas Epal: Mukang sakanya ka pa kumakampi 'a.

Epal: Hindi naman. Sinasabi ko lang na may point naman sya kung pareho talaga kayo ng binebenta. Pero mali parin na sinapak ka nya.
Mas Epal: 'E hindi naman talaga kami pareho ng binebenta 'e!

Epal: Baket, ano bang binebenta nya?

Mas Epal: Leeg ng manok.

Epal: Ano yung sayo?

Mas Epal: Batok ng manok...

Epal: Sakanya leeg, sayo batok... para sayo magkaiba yun... sabihin mo pag magaling na yung ilong mo ha, ako naman sasapak sayo.

Mommy: Nahulog yung piso, kunin mo
Ron, ayun gumulong papunta sa ilalim ng kotse.

Ron: Wag na. Hindi ko abot, malayo. Piso lang naman yan.

Mommy: Aba anak! Sa tingin mo magkakaron ka ng isang milyon kung walang piso?!!

Ron: Baket mommy, pag dinampot ko ba yang piso magkakaron bako ng isang milyon???

Mommy: Hindi yun yung point, gago!

Pocanoy: Kasi onli tayms layk dis, Pilipino ar yunayted. Tulong-tulong at etsa puera muna ang politica. eksampol, Ikaw pinospon mo muna ang yong lakad sa Mindanao so dat yo can help.
Noynoy: Tama ka dyan Pocanoy.

Pocanoy: At hindi lang ikaw ang presidensiabol na nag sakrifays Bosing pati si Gibo grabe din ang ginawa. mantakin mo kahit na malalim na ang baha punta parin siya sa opis nya.

Noynoy: Talaga,Eh Papano siya nakarating?

Pocanoy: Una sumakay siya ng Tren, tapos ng hindi na maka-usad ang tren lumangoy na lang siya. Kapanipaniwala nga eh.

Mag Ingat sa Pagpili ng Pangalan ng Bata (Bastos)

Titser: Taas ang kamay pag tinawag ko ha... Manchu Tiofa

Manchu: Mam, present!

Titser: Manchu Tiopa ka talaga?

Manchu: Yes Mam.

Titser: Ano bang naisip ng magulang mo ng pangalanan ka.

Manchu: Para daw po siga ang dating! Kasi yung intsik na karatista kalapit naming Fu Manchu pangalan.

Titser: So siga ka kung tawagin kang Manchu Tiopa?

Manchu: ahhhh... siguro po.


Paano naman kung absent si Manchu tapos gwapo titser:


Titser: Taas kamay pag tinawag ha... Tiofa, Manchu.
Walang sasagot kaya uulitin ng titser...
Titser: Tiofa, Manchu... Meron bang Manchu Tiofa dito?

Taasan ng kamay ng mga bading at ng mga malalanding kababaihan.

Titser: Lahat kayo Manchu Tiofa?

Bading: Basta ikaw Sir, OO, Manchu Tiofa kaming lahat.


Paano naman kung Rhea Gono pangalan mo?


Titser: (Roll call) Gono, Rhea. Merong ba Gono, Rhea dito.
E maingay klase...
Titser: (Pasigaw) Gono, Rhea! Me Gono, Rhea ba dito.

Tahimik lahat sabay turo sa kaklaseng pokpok.

Estudyante: Sya po baka me gonorrhea na.

Bading na Titser: Sinong me kagagawan nito?

Witness: Si Chino po
Bading na Titser:
Anong apelyido?

Witness: Paco po.

Bading na Titser: Chino Paco?
Sinong Chino Paco?
Sabay daan ng co-teacher nya.
Co-titser: Sino nga ba?
Estudyanteng
atribido: Yung pong estudyante sa Section X

Bading na Titser: Chino Paco sa Section X… Sige pabalikin dito yang Chino Pacong yan at kakainin ko ng buhay yang batang yan. Matitikman nya ang kamay kong bakal, at ang bagsik ng bibig ko!
Co-titser: (Pabulong) Juskopong pineapple! Napakahalay (sabay sign of the cross) Diretso si co-titser sa principals office sabay kinasuhan si Bading na Titser ng sexual harassment at rape

Sa isang Japanese Restaurant

Freddie Roach: I'll order 1 Gyoza and 1 Tempura

Jinky: Ako naman Okonomiyaki with Wasabi

Manny: Bigyan mo ako ng Ta-KeHo-Me

Waiter: Sir, Take Home po basa dyan.


SA DENTISTA


Manny: Doc, nagmamadali lang ako. Pwede bang wala ng papamanhid pagbunot ng ipin?

Dentista: Pwede. Pero masakit yun?

Manny: Ok lang Doc.

Dentista: Sana lahat ng pasyente ko ganyan katapang. Sige aling ngipin bubunutin?

Manny: Jingky! Yung bagang mo ba masakit?


Bob Ong Quotes


Ang hirap sa ibang ballpen, pag itinayo mo nang pabaliktad, natutuyo ang tinta. Pag itinayo mo naman nang tama, nagtatae.


Kung ano man ang "trala-la" na gustong pahawakan ng singer at ang pamana sa 'yo ng nanay mo na ipinaaalog n'ya, e hindi ko na alam.


Makikita mo na lang ang sarili mo na taimtim na nagbabasa ng katapusan ng itim na librong walang kwenta at hindi mo maintindihan.... GO!


Sa ngayon, ang sundot-kulangot ang nagsisilbing katibayan ng karapatang minsan nating ipinaglaban alang-alang sa laman ng ilong na inilalaman sa tiyan.


Pakiramdam ko e gusto n'ya 'kong maiyak sa tuwa dahil sa swerteng hatid n'ya sa aking panandaliang buhay dito sa mundo


Kung sa malalalim na tula nipapahayag ng mga kababaihan ang mga saloobin nila, sa mga lalake'y isang simbolo lang ang katapat.


Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa 'yo - Ang sarili mo. Tama sila
Sa iyong palagay, anong katangian ng mga Pilipino ang sinasagisag ng pagkaing sundot-kulangot?

may sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay k
Takot ka lang dahil maaapektuhan ng kilusan ang mga negosyo mo. Palibhasa maraming mawawala sa'yo pag nagkagulo!

Curious lang...

Yung mga babaeng hindi pantay ang kulay ng muka at katawan, ano bang ginagawa nila? Nagpapaputi ba sila ng muka, o nagpapaitim ng katawan?


Mag-isip ang tatamaan

Napaka walang kwenta naman ng buhay mo kung wala kang kaibigan kapag hindi ka na ONLINE.


Mahal mo sya..
May mahal siyang iba.. One day nakita mo sya kasama ung mahal nya.. Just close your eyes and pray.. "Sana mamatay na ung hayop na un d nmn cla bagay...


"
If you believe in signs ..
in serendipity ..
in destiny ..
in soulmates ..
in love at first sight ..
in eternal love..
Taena!!!! Mamamatay kang VIRGIN!!!















No comments:

Post a Comment