MMK (Maalaala Mo Kuya)
Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Helga. Isa akong yoga instructor ng yoga class sa isang yoga house ng isang yoga club. Dahil na din sa klase ng trabaho ko, masasabi kong maganda ang hubog ng katawan ko. At hindi naman sa pagmamayabang, pero maganda din naman ako, at sa tangkad na 5'10, madami ang nakakapuna sa akin. Hindi ako selosa dahil mataas ang confidence ko sa sarili ko. Pero kabaliktaran naman ang boyfriend kong si Matt dahil halos lahat ng lalakeng makausap ko ay pinagseselosan nya. Ang pinaka huling pinagselosan ni Matt ay isang lalake na hindi ko naman kaclose, tinulungan lang ako nung lalake magpark at nagalit agad si Matt. Baket daw kinakatok nung lalake yung kotse ko, at ano daw yung inabot ko sa lalake? Kung hindi ba naman sya tanga... parking boy yun, malamang aabutan ko ng barya. Sa paulit-ulit na pagseselos ni Matt, unti-unting nalayo ang loob ko sa kanya. Tuwing magkikita kami, imbis na maging masaya nalang ang pagkikita namin, nauubos ang oras sa kakasermon nya sakin. Pilit kong tiniis ang pagseselos nya pero napuno na ako nung nasira nya ang isang espesyal na gabi. Inimbita ko na maging escort ko si Matt sa Golden Anniversary ng mga magulang ko, at maayos naman ang naging salo-salo sa bahay nila mommy at daddy nang biglang...
May narinig kaming sigawan na galing sa labas ng gate. Dahan-dahan kaming nagtakbuhan ng mga kamag-anak ko palabas ng gate at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inasahan. Nakita kong nakikipagsuntukan si Matt sa lalakeng pinagselosan nya. Ang buong away ay nasaksihan ng mga kamag-anak ko at sa pagkakataon na yun ay nagdesisyon ako na hindi muna makipagkita kay Matt para makapag-isip.
Tatlong buwan naging "it's complicated" ang status ko, at akala ko ay hindi na ako magiging masaya. Pero mapaglaro ang tadhana. Nakatanggap ako ng friend request sa Facebook mula sa isang lalake. Hindi ko kakilala ang lalake pero pamilyar ang muka nya. Nagsend ako ng message sakanya at tinanong ko kung sino sya. Nagulat ako nang sabihin nya na sya ang nakaaway ni Matt sa labas ng gate namin. Nag-away daw sila dahil bigla daw syang sinapak ni Matt. Sya pala yung parking boy na pinagselosan ni Matt. Nagpakilala sya bilang si Dave. Mabilis na nahulog ang loob ko kay Dave at halos araw-araw ang pag-uusap namin sa inbox ng Facebook. Nagulo ang mundo ko dahil tuwing gabi ay kausap ko si Dave sa Facebook, pero sa mga panahon na yun ay nakakasama ko na din ulit si Matt na nagpakita ng malaking pagbabago. Hindi na sya seloso at nakita ko ang kakaibang lambing sakanya. Lalo akong naguluhan nung nakasama ko na si Dave dahil masarap pala syang kausap at napaka maasikaso. Tuwing pagkatapos kong makipagyogahan sa mga yogista ay kasama ko si Matt, pero pag dating ng madaling araw ay si Dave naman ang kasama ko. Nasisira ang pangalan ko dahil ang tingin ng mga tao ay malandi akong babae, pero gusto kong matigil ang mga usapin na ganon kaya naisip kong kailangan kong pumili ng isa sakanila. Sino ang dapat kong piliing maging boyfriend Kuya Chico, si Matt ba o si Dave? O si Kevin? O si Leo? O si Greg? O si Alvin? O si Reginald? O si John? Umaasa ako na sa pagpili ko ng isa lang sakanila ay matitigil na ang mga haka-haka na malandi ako dahil natatakot akong umabot pa ang kasinungalingan na yan sa asawa kong si Tristan. Sana ay mapayuhan mo ako sa lalong madaling panahon.
Lubos na gumagalang,
Helga
Video Games
Sinasabing ang mga video games ang nagmumulat ng violence sa mga mata ng kabataan ngayon. Pero alam mo ba ang nagmulat sa violence sa kabataan noon?
"Langit, lupa, impyerno. im-im-impyerno
SAKSAK PUSO, TULO ANG DUGO
Patay, buhay, a-lis-ka-na-jan."
Oo, yan ang nilalaro ng mga nanay at tatay mo noon. Kaya kapag pinagbabawalan ka ng mga magulang mo na maglaro ng "Grand Theft Auto" dahil nagpo-promote daw ito ng violence, itanong mo sakanila kung naglalaro ba sila ng "Langit, Lupa" noon. Isama mo na ang "Bang-Sak" na parang taguan pero kailangan mong barilin kunyari ang mga nakatago, at kailangan ka nilang saksakin kunyari para maging taya ka ulit. At syempre anjan pa ang larong "Pitik-Bulag", kung saan pinipitik ang eyeballs ng mga naglalaro at ang unang mabulag yun ang talo. Naniniwala ka ba?
Labor Day "K J"
Nagalit si Bayan Muna Rep. Saturnino “Satur" Ocampo dahil nilipat ni Gloria Macapagal-Arroyo ang Labor Day ngayong taon sa May 3. Normal na May 1 ang Labor Day kaya ang tingin ni Saturnino ay hindi nirerespeto ni Arroyo ang mga manggagawa. Pumatak sa Sabado ang Labor Day ngayong taon, ginawang Lunes para sa mas mahabang weekend.
MgaEpal Reacts:
Mr. Saturnino Ocampo, ayaw mo ba ng mahabang weekend? Ang reklamo nyo ay dahil lihis sa tradisyon ang ginawa ni Arroyo dahil May 1 ang INTERNATIONAL Labor Day. Ano ngayon??? Dito ka nalang magconcentrate sa NATIONAL pabayaan mo na yang INTER. Sino ba ang nagdikta na May 1 gawin yan? Hindi naman Pilipino diba?
Pabayaan nyo nang pahabain ni Gloria ang mga weekend. Yan na nga lang ang pakinabang nya.
Alam nyo ba na ang Labor Day ay para i-celebrate ang economic at social achievements ng mga manggagawa? Sa paraan ng pagtrato ng gobyerno sa atin ngayon, wala tayo nun... Pasalamat nalang tayo na kahit papano ay nakiki-Labor Day pa tayo.
NAKIPAGHIWALAY
JUAN: Pare, nakipaghiwalay ka sa misis mo dahil may nakita ka picture ng lalaki sa wallet nya?
PEDRO: OK, lang kung ibang lalaki.
JUAN: E ano?
PEDRO: Siya raw yun nung BINATA pa sya! :/
AYAW SA CHESS PLAYER
AMO: Inday, may asawa ka na ba?
INDAY: la pa, mam, pero kung aq mag-aasawa, yoko nung mahilig sa chess.
AMO: Bakit? Anong masama sa chess player? Yan ang hobby ni sir mo ah!
INDAY: Yan nga ayaw ko ke sir eh. Pagnasa kwarto kami ako’y naiinip sa kanya. Ang tagal bago TUMIRA at KUMAIN!
ALIN ANG MAS MAHABA
Tikyo: pare, alin ang mas mahaba? Bulbol ng babae o sa lalaki?
Pacio: Palagay ko pare, sa babae.
Tikyo: bakit naman?
Pacio: kasi pare, umaabot sa lalamunan ko e!
KA EYEBOL
PEDRO: may ka-eye’bol ako mamaya, anu kaya ang itsura nya? Kc, sbi nya, may hawig syang celebrity, “Sha” ang palayaw nya.
JUAN: jakpot ka, pedro! Baka sharon o shasha yan! (After d eyebol, pedro went home.)
JUAN: kumusta eyebol mo? Bakit ka malungkot?
PEDRO: DiƶneSia paRe! DiƶneSia.
PA KISS
Pare1: Pare, pakiss naman!
Pare2: Gago!
Pare1: Dali na. Pakiss, pare!
Pare2: Leche naman to oh! San ba kasi?!
MAG DODUKTOR NALANG
AMA: anak, magpapari ka ba talaga?
ANAK: opo, sure talaga! AMA: paano kung humarap sa yo si Katrina Halili?
ANAK: ay, magdu DOKTOR na lang ako!
SA LOOB NG KLASE
Mam: Ok class, kung sino man yun umutot bibigyan ko ng 95 na grade.
PEDRO: Mam ako po! 100 nyo na mam.. Napatae din kasi ako!
MAHABA ANG DingDong
Mare1: Mare, nakakaingit ka naman.
Mare2: Bakit, mare?
Mare1: Kasi ang haba-haba ng dingdong ni pare.
Mare2: (galit) Bakit nakita mo?
Mare1: Hindi ah! Mare2: Pano mo nalaman?
Mare1: Kasi tagal-tagal nang nasa Saudi at di umuwi si Pare, eh nabuntis ka pa rin!
PAYABANGAN
BOY1: Ang kamote ni Lolo sobrang laki 1 araw namin kinain.
BOY2: yUng pakwan ni itay 3 araw namin kinain!
BOY3: La yan sa MANI ni inay, gabi-gabi kinakain ni itay di pa rin UBOS.
MERON
SEXY: Maawa ka! meron ako, meron ako!
RAPIST: AHH! Walang meron-meron sa kin! TITIKMAN KITAA!! SEXY: WAG! AY!
RAPIST: Yaakk!! Meron ka nga! Meron kang itlog. Bakla!!!!
KULAM
Kulas: Manang, magkano ang magpakulam sa inyo?
Witch: 2,500 pesos.
Kulas: Ha? Bakit ang mahal?
Witch: kasi BARBIE ang gamit ko
Bob Ong: Election 2010 Reminder
Para sa Bobong Pamunuan, Bobotante ang Kailangan!
Aminin na natin, hindi lahat ng botante ay may oras, tiyaga, at talino para suriin ang background ng bawat kandidato. Hindi rin marami ang may kakayanang umintindi sa kung anuman ang totoong ibig sabihin ng mga nakalista sa plataporma nila...kung meron man.
Bagama't hindi perpekto, pare-parehong may magagandang qualification ang mga tumatakbo. Kung pagbabasehan ang mga patalastas, lahat sila may pangarap, plano, at magandang hangarin para sa bansa. Dalawa lang ang problema, hindi naman lahat ng binibitiwang pangako e totoo; at hindi lahat ng totoong pangako e kayang tuparin. Maging ang inaasahan nating matinong basehan dati sa pagpili ng iboboto--ang debate--e hindi rin pala mapanghahawakan, sabi ng ilang political analyst sa TV kelan lang. Oo nga naman, dahil pwedeng madehado ang mga kandidatong mas magagaling na leader pero mahina sa talakayan.
Kung hindi maaasahan ang aktibong personalidad ng mga kandidato sa kasalukuyan, o ang mga magaganda nilang hangarin sa hinaharap, walang natitirang basehan kundi kung ano ang mga napatunayan na nila sa nakaraan. Tutal sabi nga, history repeats itself. Hindi ako gaanong umaasa sa mga taong "malinis". Kasi "power corrupts". Karaniwan na ang mga nag-uumpisa nang "malinis", nagkakatalo lang sa huli kung sino ang may pinakamaraming mabuting nagawa nang may pinakakonting natamong dumi. Ang masipag, nadudumihan. Lalo na ang masipag maglinis.
Hindi ako gaanong umaasa sa mga masyadong "makatao". Siguro importante yon para sa kapitan ng barangay, pero para sa leader ng bansa, maraming pagkakataon na kailangan nyang talikuran ang mga tao para tumingin sa dinadaanan nila. Walang tsuper na nakaharap sa mga pasahero.
Naniniwala akong dapat na mas malaki sa atin ang presidente. Kung kailangang lagi nating naiintindihan ang takbo ng isip nya, kung lagi nating kasundo ang mga galaw nya, kung diskarte din natin ang mga diskarte nya...isa lang sya sa atin, at hindi sya espesyal na tao. Hindi dapat ipagkatiwala sa kanya ang kinubakasan ng lahat kung kaya naman ito gawin ng lahat para sa sarili nila.
Hindi ako gaanong umaasa sa mga nagpapamudmod ng kung anu-anong give away o papremyo, hindi yun ang responsabilidad ng pinuno sa bayan o obligasyon nya sa mga mamamayan. Kayang gawin ng mga pribadong tao ang dole-outs; sa kapasidad ng inihalal na leader, mas malaki, mas pangmatagalan, at mas kongkretong programa ang inaasahan ng bayan.
Hindi ako gaanong umaasa sa kandidatong gumagamit ng mga artista. Walang masama na gawin nya ang lahat ng ligal na kaya nya para manalo sa eleksyon. Pero malalaman mong walang pagbabagong dala ang kandidatong nagtuturo sa mga mamamayang bumoto base sa dami at bigat ng mga artistang nag-e-endorso sa kanya. Maaaring magaling ang kandidatong yon, maaaring masipag, maaaring mabait...pero hindi sya ang uri ng pinuno na magdadala ng pagbabago.
Ayos lang ang pag-endorso ng sikat at respetadong tao. Makakatulong yon sa kandidato. Pero ang paggamit ng santambak na artista sa pangangampanya ay insulto sa talino ng mga mamamayan.
Kung paano itrato ng kandidato ang mga botante, kung paano nya kinukuha ang boto ng tao, kung anong klaseng mga boto ang iniipon nya para maluklok sya sa pwesto, yun ang tingin nya sa Pilipino. At yun ang lideratong ibibigay nya sa Pilipinas.
Hindi gaanong "winnable" ang kandidatong puro pagpapaliwanag kung anong klaseng pinuno ang dapat piliin ng mga tao, pero maganda ang hangarin nyang itaas ang moral at kamalayan ng mga mamamayan; at hinahangaan ko ang respeto nya sa kapangyarihan ng eleksyon at sa kakayanan ng mga botanteng mag-isip at pumili nang tama.
Kung pag-aaralan ang kasaysayan ng mga pinakamagagaling at epektibong leader ng mundo, makikitang malayo pa ang panuntunan na ginagamit ng mga Pilipino
.
.
.
.
"If you always do what you always did, you'll always get what you always got." -
Sabi ng naglalako ng taho kaninang umaga
(This political ad is paid by the friends and supporters of Eddie Gil and Ellie Pamatong.)
Hindi sino, kundi kanino ang iboboto mo?
By Bob Ong
Meron kang dalawang uri ng boto: Ang una ay ang "boto ng konsensya". Ito ay para sa pinunong kinilatis mo, pinag-aralang maigi, pinaniniwalaan, at inaasahang may magagawa para sa bayan. Ang ikalawang uri ay ang "boto ng diskarte". Ito ay para sa kandidatong iboboto mo na lang para hindi manalo ang ayaw mo.
Para sa akin, mas matatanggap kong pamunuan ni Kiko Matsing ang bansa ko nang nagampanan ko nang tama ang tungkulin ko sa bayan bilang botante, kumpara sa makapagluklok ako ng ibang pinuno na resulta ng pagtalikod ko sa obligasyong bumoto nang tama. Dahil sa sandaling talikuran ko ang tama--sa ngalan ng diskarte--ay binibigyan ko na rin ng lisensya ang mga pinuno ng bayan ko na kumilos base sa diskarte, kapalit ng tama.
Ang boto ng konsensya ay base sa pag-asa. Ang boto ng diskarte ay base sa takot.
Ang bayan ng mga botante ng diskarte ay walang maaasahang pamunuan ng konsensya. Ang mga mamamayang kuntento na sa "pangalawang tama" ay mapagkakalooban ng pinunong ganoon din ang pamamalakad. Ang bansang hindi natututo, habambuhay na lang bibigyan ng leksyon.
Ini-endorso ko ang pagboto nang tama. Pwedeng matalo ang kandidato mo, pwedeng mangulelat. Pero mararamdaman mo lang ang kalayaan mo bilang tao at kapangyarihan mo bilang mamamayan sa Ika-sampu ng Mayo pagnasabi mo sa sarili mong "Napagkalooban ako ng karapatang pumili ng pinuno ng bayan ko, at nakaboto ako base sa sarili kong desisyon at ayon sa konsensya ko."
Kalapastanganan sa sariling dangal ang pagboto sa taong iba sa tunay mong pinaniniwalaan--dahil man ito sa may tumutok ng baril sa ulo mo, may bumili ng iyong boto, o mag-isa pong piniling iboto na lang kung sinuman ang tingin mong mananalo.
Hindi nasasayang ang boto sa mga talunang kandidato. Nasasayang ito sa mga talunang botante.
Kung iboboto mo ang boto na ayon sa desisyon ng iba, sino pa ang boboto ng ayon sa desisyon mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment